-- Advertisements --
Nagdulot ng mabagal na daloy ng trapiko ang mga naitalang pagbaha ngayong araw sa Metro Manila.
Dulot ito ng naranasang malakas na ulan sa malaking bahagi ng rehiyon.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tatlong syudad ang pangunahing naapektuhan ng baha.
Sa Mandaluyong City, umabot sa walong pulgada ang taas ng tubig sa EDSA Ortigas service road, south bound at EDSA Shaw tunnel north bound.
Sa Quezon City, binaha rin ang EDSA Main Avenue north bound.
Habang sa Makati City, gutter deep din ang na-detect sa EDSA Guadalupe Bridge north bound.
Gayunman, passable ito sa lahat ng uri ng sasakyan.