Magkakaroon ng ilang mga aktibidad sa ika-22 anibersaryo ng September 11, 2001 terror attack sa US na ikinasawi ng halos 3,000 katao.
Sa New York City ay magkakaroon ng taunang tribute light na isang iconic symbol na kumikilala sa mga napatay.
Babasahin naman ang mga pangalan ng nasawi sa itinayong 9/11 Memorial Museum kung saan nakatayo noon ang pinasabog na Twin Towers.
Mag-aalay doon ng mga bulaklak ang mga kaanak ng nasawi at may maikling programa.
Binuksan din ang museum sa publiko para magbigay ng bulaklak sa kaanak ng mga nasawing biktima.
Isang “Recovery and Reflection” program naman ang isasagawa sa New York City Fire Museum sa Hudson Square sa lower Manhattan para bigyang pugay ang mga fire rescuers na nagbuwis ng kanilang buhay sa nasabing terror attack.
Isasagawa rin sa Fire museum ang isang wreath laying activities at ilang mga maikling programa.
Magugunitang itinuturing na isang bangungot ang terror attack sa kasaysayan ng Amerika noong Setyembre 11, 2001 kung saan nagsimula sa paghi-jack ng eroplano at ibinagsak sa ilang gusali sa New York, Pentagon at sa Washington.