-- Advertisements --

Ipinaliwanag ni ICI Spoksperson Brian Keith Hosaka na isinasa-pribado ang mga pagdinig ng komisyon upang maiwasang malinlang o ma-mislead ang publiko sa mga testimonya ng mga taong iniimbestigahan.

Giit niya, sensitibo ang mga isyung tinatalakay kaya’t kailangang tiyakin muna na tama at kumpleto ang lahat ng impormasyon bago ito isapubliko. Layunin umano ng komisyon na mapanatili ang kredibilidad ng imbestigasyon at maiwasan ang mga haka-haka na maaaring makasira sa reputasyon ng mga sangkot habang hindi pa tapos ang proseso.

Sa kabilang banda, nakipagpulong ngayong araw si bagong ICI Special Adviser Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa mga miyembro ng komisyon. Inaasahan na sasamahan na niya ang grupo sa mga susunod na imbestigasyon matapos niyang manumpa para sa kanyang bagong posisyon.