-- Advertisements --

Pinalawig ng International Criminal Court (ICC) ang bilang ng araw ng dalaw na pinahihintulutan para sa pamilya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Scheveningen Prison sa The Hague, Netherlands.

Kabilang sa mga bumisita sa dating pangulo ang anak nitong si VP Sara Duterte at ang kanyang kapatid na si Sebastian Duterte, na muling nanalo bilang vice mayor ng Davao City kasabay ng pagkapanalo ng kanilang ama bilang alkalde.

Nagbahagi si VP Sara ng mensahe ng pasasalamat mula sa kanilang ama para sa mga tagasuporta nito.

Gayunman, ilang Europe-based overseas Filipino workers (OFWs) ang nagsabi kay VP Sara na mananatili silang tapat sa dating pangulo, na tinatawag nilang “Tatay Digong.”

Ani ng ilang OFWs, ‘Hanggang sa dulo at walang iwanan’.