-- Advertisements --
Naniniwala si International Criminal Court (ICC) prosecutor Karim Khan na ang kaniyang imbestigasyon sa madugong anti-drug war sa Pilipinas ay mailalabas ang katotohanan at mapapanagot ang sinumang sangkot sa human rights abuses.
Sinabi nito na aasa ang kaniyang opisina sa kooperasyon ng gobyerno, civil societies at kanilang mga kasama sa imbestigasyon.
Nakatuon daw sila sa ikakatagumpay ng imbestigasyon at ito ay magiging independent at impartial.
Sa kanilang imbestigasyon aniya ay makakamtan na ng mga biktima ng drug war ang sapat na hustisya.
Magugunitang pinayagan na ng ICC ang pagsisimula ng imbestigasyon kahit nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ito makikibahagi sa imbestigasyon.