CAUAYAN CITY – Nanawagan ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Supreme Court (SC) na desisyunan na ang matagal nang nabinbin na isyu hinggil sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Ito ay kaugnay sa isyu kung puwedeng i-terminate ng executive branch ang VFA nang walang consent ang Senado gayong ito ay nirapitikahan ng mga senador bago nagkabisa ang VFA sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Unang iginiit ng Malacanang na puwedeng i-terminate ng executive branch ang VFA dahil hindi naman nakasaad sa Konstitusyon na kailangang may consent ang Senado bago kanselahin ng pamahalaan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Atty. Domingo “Egon” Cayosa na ang executive branch ng pamahalaan ang nangangasiwa sa foreign relations.
Para malinawan aniya ang mga senador at ang Pangulo ng bansa ay panahon na para magpasya ang Korte Suprema sa matagal nang nakabinbin na petisyon dahil mandato ng sangay ng hudikatura na magsagawa ng interpretasyon sa batas.