-- Advertisements --
Tatagal pa hanggang sa Marso 2021 ang phase 2 ng trial para sa virgin coconut oil (VCO), bilang posibleng gamot sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Jaime Montoya, executive director ng Philippine Council for Research and Development ng DOST, marami pang dinadaanang proseso ang ganitong tinutuklas na gamot.
Bagama’t may kakayahan kasi itong labanan ang ilang virus, wala pang malinaw na patunay na kaya nitong lunasan ang COVID-19.
Sa kasalukuyan, nakompleto na umano ang pag-aaral sa laboratoryo at nasubukan na rin ito sa 57 tao na sumailalim sa test.
Lumabas sa pag-aaral na positibo ang epekto ng VCO sa community based study, kaya tiwala silang malayo pa ang mararating nito bilang panlaban sa nakamamatay na sakit.