-- Advertisements --

Napili bilang bagong Santo Papa si Cardinal Robert Prevost.

Ang 69-anyos na si Prevost ay siyang kauna-unahang American pope sa kasaysayan ng Simbahang Katolika.

Papangalan siya bilang Pope Leo XIV na siyang magiging ika-267 na Santo Papa.

Si Pope Leo XIV ay ipinanganak noong Setyembre 14, 1955 sa Chicago, Illinois.

Taong 2023 ng italaga siya ni Pope Francis bilang prefect of the Dicastery for Bishops at pangulo ng Pontifical Commission for Latin America.