Inilabas na ang autopsy ng mga nasawi sa NAIA car crash ayon sa Philippine National Police – Aviation Security Group (AVSEGROUP) kung saan base sa resulta kumpirmadong namatay ang dalawang biktima sa blunt force trauma.
Isa nga dito ang 29-anyos na nagtamo ng blunt force trauma sa ulo at spinal cord.
Habang sa ulo at kaliwang bahagi ng katawan naman ang tinamo ng isa pang biktimang menor de edad.
Una na rito ang ginawang test sa suspek na negatibo sa alcohol at droga, at wala rin nakitang physical trauma sa kanya.
Kasalukuyan namang nakakulong sa Mobile Patrol Security Unit Detention Facility ang suspek at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries, and damage to property.
Sinuguro naman ng Aviation Security Group na ginagawa nila ang lahat upang matiyak ang hustisya sa mga pamilyang naulila.