-- Advertisements --
Handang-handa na weightlifters ng ating bansa sa pagsabak nila sa Asian Weightlifting Championship.
Pangungunahan ni two-time Olympian Elreen Ando ang national team sa torneo na gaganapin sa Mayo 15 sa Jiangshan , China.
Sasabak is Ando sa women’s 64-kilogram division kung saan kapag magtagumpay ito ay tiyak na ang puwesto niya sa 2028 Los Angeles Olympics.
Kasama nito na ang pambato ng bansa na sinaKristel Macrohon (women’s 71kg), Fernando Agad, Jr. (men’s 55kg) at fast-rising sister tandem Rose Jean (W45kg) at Rosegie Ramos (W49kg).
Naniniwala naman si Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevell na makakahakot ng gintong medalya ang bansa.