-- Advertisements --

Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na hindi nila pinababayaan ang pagtugon sa ibang kalamidad sa bansa, sa harap na rin ng nararanasang pag-alburuto ng Taal volcano.

Ayon kay Mark Timbal, tagapagsalita ng NDRRMC, patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon sa mga lalawigan.

Layunin nitong makapagpaabot agad ng tulong, kung kinakailangan.

Kabilang na rito ang mga pagbaha sa Mindanao, mula pa nitong mga nakalipas na araw.

Aminado naman ang NDRRMC na lalong bumigat ang trabaho ng kanilang mga tauhan, dahil sa sabay-sabay na sitwasyong kailangang tugunan.

Partikular na ang COVID-19 pandemic at ngayon ay dumagdag pa ang abnormalidad ng Taal.

Pero kampante ito na hindi maaapektuhan ang COVID response dahil marami namang ahensya ng gobyerno ang magkakatuwang sa pagkilos para sa kumakalat na sakit.