-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi lamang sila nakatuon ng atensyon sa isyu ng asukal.

Bilang Agriculture secretary, sinabi ng pangulo na sabay-sabay din niyang inaasikaso ang para sa kapakanan ng ibang usapin sa ahensya.

Kasama na rito ang pagpapalakas ng produksyon ng palay, mais, gulay, prutas at iba pa.

Ang pahayag ng pangulo ay sa harap ng mainit na usapin sa pag-import na asukal na aabot sana sa 300,000 metric tons, ngunit kinontra ng marami at kalaunan ay tinawag ng punong ehekutibo bilang iligal na resolusyon.

Bago pa man kasi ang pagkontra ng pangulo sa agarang pag-angkat ng asukal, una nang nagde-demand ang mga nagtatrabaho sa sugarcane plantation at maliliit na negosyante na ilabas sana ng pamahalaan ang audit o monitoring ng actual na supply ng asukal.

Matagal na kasing pinagdududahan na manipulasyon lamang ng malalaking negosyante ang pagpapalutang na may kakapusan ng sugar supply, kahit sapat naman talaga ang dami nito para sa pangkonsumo ng mga mamamayan.