-- Advertisements --
IMG 20190919 144553
DoJ usec. and Spokesman Markk Perete

Pangungunahan ngayon ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang dialogue kasama ang inter agency task force (IATF) at mga kinatawan ng religious sector.

Ito ay para pag-usapan ang concerns ng ilang simbahan kaugnay sa pagsasagawa ng misa sa mga lugar ngayong nasa community quaratine ang karamihan sa mga lugar sa bansa.

Ayon kay Justice Usec. Markk Perete, pakikinggan at kokonsultahin ang mga religious sector bago maglabas ng guidelines.

Una rito, hiningi umano ng mga religious groups sa IATF na maglabas ng panibagong guidelines kaugnay ng mass gatherings.

Maalalang binawi noon ng IATF ang inilabas na guidelines sa pagpapatupad ng mass gatherings na dahilan kung bakit umaaray na rin ang mga simbahan.

“The IATF will conduct a dialogue with the religious sector tomorrow to listen to the concerns of the various churches and to consult with them in the formulation of new guidelines on public worship and religious service as the country moves forward from one community quarantine regime to another. the secretary of justice will preside over the dialogue,” ani Perete.