Ibibigay na lamng sa susunod na administrasyon ang kalayaang magpasya kung lilikha pa ng panibagong ahensiyang kapalit ng Inter Agency Task Force (IATF) o itutuloy na lang ito, mula sa kasalukuyang setup.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, nakaantabay sila sa anumang direktiba mula sa Marcos Administration.
Sa kasalukuan kasi ay wala pang napipiling bagong kalihim para sa kagawaran ng kalusugan, na may malaking papel sa IATF.
Dagdag pa ni Cabotaje, handa raw silang i-turn over ang lahat ng mga dokumento na may kinalaman sa COVID response ng Duterte Administration.
Maliban dito, handa na rin sila na magbigay ng detalyadong impormasyon sa kung sinoman ang susunod na Health Secretary na magsisilbing overall in charge sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.