May inilaan ang The Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na P31 billion na pondo para sa Plant, Plant, Plant Program ng Department of Agriculture (DA) ngayong panahon ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, na gagamitin ang nasabing pondo para maipatupad, mapalawak at mapataas ang pagkain ng bansa.
Inaprubahan din ng IATF ang importation ng karagdagang 300,000 metric tons ng bigas sa pamamagitan ng government-to-government arrangement sa Associatioin of Southeast Asian Nations (ASEAN) trading partners.
Inatasan din ng IATF ang mga local government units na ipagpatuloy ang pagtatanim at pangingisda, paggalaw ng mga supplies na gagamitin sa agrikultura at pag-reactivate ng Loca Price Coordination Council.
Nararapat din na mahigpit ang bawat bayan sa implementasyon ng price freeze at suggested retail prices ng mga produkto.