-- Advertisements --

Naglandfall na sa Caribbean coast ng Nicaragua ang hurricane Julia.

Ayon sa US National Hurricane Center na ito ay magdadala ng malawakang pagbaha at mudslides sa Central America.

Bago magland-fall ay may dala itong lakas ng hangin na 140 kilometer per hour.

Nakita itong nag-landfall sa Laguna de Perlas kung saan matapos ang ilang oras ay nakaranas ang bayan ng Bluefields ng mataas na alon.

Bago makarating sa Nicaragua ay dumaan ito sa Colombian Islands.

Kahit na walang anumang naitalang damyos sa isla na may populasyon ng 48,000 katao ay inilagay ni Colombian President Gustavo Petro sa “maximum alert” ang nasabing lugar.