-- Advertisements --
Itinaas na sa Category 3 ang hurricane Idalia habang nagbabanta sa malaking bahagi ng Florida.
Inaasahan na ito ay magla-landfall sa araw ng Huwebes sa south Perry, Florida partikular na sa bahagi ng Big Bend.
Agad na pinakilos ni Florida Governor Ron DeSantis ang kaniyang National Guard habang inaprubahan ni US President Joe Biden ang emergency declaration sa Georgia at South Carolina.
Inaasahan ang storm surge sa Tampa kung saaan mayroong 1.58 talampakan ang pagtaas ng tubig.
Halos kalahati ng lugar sa Florida ang nasa tornado watch kung saan maraming mga residente ang pinalikas na.