-- Advertisements --

Tinawag ng Hungary ang Russian ambassador nitong Huwebes kaugnay ng malawakang drone attack ng Russia sa Ukraine, na nagdulot ng matinding reaksyon mula sa Budapest.

Ayon sa bagong pamahalaan sa ilalim ni Péter Magyar, ang hakbang ay indikasyon ng pagbabago ng posisyon ng Hungary sa Russia kumpara sa nakaraang administrasyon.

Iginiit ng Russia sa pamamagitan ng embahada nito na mga military targets at imprastraktura lamang ng Ukraine ang tinamaan ng kanilang operasyon, at hindi mga sibilyan.

Pinuri naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy ang pagpatawag sa Russian envoy, at sinabi na mahalagang mensahe ito na nagpapakita ng lumalawak na banta ng Russia sa Europa.

Kasabay nito, inanunsyo rin ng Hungary ang pagbuwag sa ilang emergency powers na ipinatupad sa panahon ng digmaan at pandemya, bilang bahagi ng pagbabalik sa “normal na pamamahala.” (report by Bombo Jai)