-- Advertisements --
Hindi nakasama sa ensayo ng Los Angeles Lakers sina Dwight Howard at Danny Green.
Ayon sa koponan, nagkaroon lamang bahagyang problema sa coronavirus testing process si Green habang kailangan munang magtest ng negatibo si Howard bilang quarantine protocols.
Ang nasabing ensayo ay siyang unang pagkakataon na gagawin sa Wide World of Sports Complex sa Orlando, Florida.
Umaasa naman ang Lakers na makakasama na nila ang dalawa sa mga susunod na ensayo nila.