-- Advertisements --
Nagbabala ang lider ng Houthis sa Yemen na maari nilang paulanan ng rocket ang warship ng US kapag sila ang pinag-initan.
Kasunod ito sa patuloy na tensiyon sa Red Sea kung saan ilang mga commercial vessels na dumadaan doon at pinapaulanan ng Houthis ng missiles sa pag-aakalang pag-aari ito ng Israel.
Dahil sa nasabing pangyayari ay pinaigting ng US ang kanilang pagpapatrolya sa lugar para maiwasan ang pag-atake sa mga dumadaang mga barko.
Bukod sa US na nagpapatrolya ay mga ilang bansa na kasapi ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).
Sinabi ni Abdel-Malek al-Houthi ang lider ng Houthi rebel na hindi sila magdadalawang isip na gagantihan ang US sakaling sila ay tamaan ng missiles.