-- Advertisements --

Umaasa ang House prosecution panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na papayagan sila ng Senate Impeachment Court na maipresenta nang buo ang kanilang mga ebidensiya upang maunawaan ng publiko ang bigat ng mga akusasyon laban sa pangalawang pangulo.

Ayon kay Manila Representative Joel Chua, miyembro ng prosecution panel, ang kanilang hinihiling ay mabigyan lamang ng pagkakataong maayos na mailahad ang kanilang ebidensiya.

Aniya, mahalaga ang impeachment trial dahil pananagutan ang nakataya at dapat manaig ang katotohanan.

Nakatakdang magsimula ang impeachment trial ni VP Sara sa Hulyo 6, isang linggo na lamang mula ngayon.

Inihayag ni Chua na matagal na silang naghahanda at gagawin nila ang lahat upang maipresenta ang kanilang mga ebidensiya.