-- Advertisements --

Nanindigan si House Committee on Good Government and Public Accountability chair, Rep. Joel Chua na may otoridad ang House Justice Committee na kunin ang tax records ni Vice President Sara Zimmerman Duterte.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag bilang paglilinaw ukol sa pagpapa-subpoena ng panel sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para mailabas ang income tax returns (ITRs) ng pangalawang pangulo.

Ayon kay Chua, may kapangyarihan ang komite na maglabas ng subpoena at ito ay sumasaklaw kahit pa sa BIR.

Naniniwala ang abogadong mambabatas na gayong hindi binuksan ng komite ang green box na naglalaman ng tax record ni VP Sara, ay pinapayagan ng batas na mailabas ang mga naturang record.

Binibigyan aniya ng constitution ang Kongreso na gumawa ng sarili nitong rules o panuntunan, kasama na ang pag-otorisa para sa paglalabas ng subpoena

Sa pamamagitan ng subpoena power ng Kongreso (Kamara at Senado), may kapangyarihan aniya ang komite na kunin ang income tax return (ni VP Sara) kahit pa may isang statute na nagbabawal nito.

Maalalang nagkasundo ang mga miyembro ng komite na hindi na buksan ang green box.

Katwiran ng komite, ito ay upang hindi na makakita ng butas o dahilan ang kampo ng pangalawag pangulo na kuwestyunin ang hearing ng panel at muling mag-apply ng temporary restraining order (TRO) sa Supreme Court.