Hindi na maaaring iapela ang ipinataw na suspension ng House of Representatives kay Negros Oriental Representative Arnolfo Teves sa House Committee on Ethics.
Ito ang inihayag ni Ethics Committe Chairman COOP NATCCO Party List Rep. Felimon Espares batay sa isang sulat na ipinadala ng komite sa legal counsel ni Teves.
Sinabi ni Espares kanila ng sinagot ang sulat na ipinadala ng kampo ni Teves.
Sumulat kasi Atty Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves sa komite para i apela ang’ 60-day suspension, kung saan binigyang diin ang matinding banta sa buhay ng mambabatas.
Ayon kay Espares anumang apela ay maaaring gawin sa plenary sa pamamagitan ng isang house member.
Magugunita na unanimous ang naging boto ng house members para suspindihin si Teves dahil sa kaniyang undesirable behavior.
Una ng inihayag ni House Secretary General Reginald Velasco na kanila ng ipinaubaya sa Committee on ethics at sa legal department ng kamara ang naging apela ng kamp ni Teves.