-- Advertisements --

Nakipagkasundo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Philippine Competition Commission (PCC) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) para mabawi ang mga perang nawala dahil sa kurapsyon.

Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon, na sa nasabing kasunduan ay matitiyak na magiging ligtas ang pera ng taumbayan.

Umaasa din ito na mabilis na mabawi ang nasabing mga pondong nawala mula sa maanomalyang kontrata.

Ayon naman kay PCC Chairperson Michael Aguinaldo na ang kasunduan ay magdadala para agad na malaman at maiwasan ang hindi tamang proseso ng bidding at agad na maisusumbong ang nasabing maling gawain.