-- Advertisements --

Inaalam pa rin ng Bureau of Fire Protections (BFP) ang sanhi ng pagkakasunog sa ikalimang palapag ng isang hotel sa lungsod ng Pasay kagabi.

Mabilis na naapula ng mga nagrespondeng bumbero ang pagkakasunog sa ikalimang palapag ng Hotel Okura sa Newport, Pasay City pasado alas-nuebe nitong Biyernes ng gabi.

Wala namang naitalang anumang nasugatan sa nasabing insidente.

Ayon sa mga staff na establishimento na agad nilang pinalabas ang mga kliyente nila ng magkaroon ng sunog.