-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Matagumpay na natapos ng mga tauhan ng Surigao City Police Station ang naganap na hostage-taking sa loob ng isang pampasaherong bus nitong Biyernes ng hapon sa Barangay Lipata, Surigao City.
Ito’y matapos matamaan ng bala ang dibdib ng ‘di pa kilalang suspek na gumamit ng ice pick sa kanyang pangho-hostage sa 12-anyos na batang lalaking sa loob ng bus na pag-aari ng Surigao Transport Cooperative.
Kaagad na isinagawa ang negosasyon sa pangunguna ng kauupo pa lamang na si Surigao City Police Director L/Col. Christian Rafols at dahil patuloy na nagmamatigas ang suspek kung kaya’t binaril na ito sanhi ng agaran niyang kamatayan.
Isasailalim naman sa psycho-social service ang biktima upang mawala ang trauma na kanyang naranasan.