Kapwa nagwagi sa kani-kanilang mga laban ang host country na Australia at New Zealand sa pormal na pagsisimula ng FIFA Womens’ World Cup.
Tinalo ng Australia ang Ireland sa score na 1-0 sa laro na ginanap sa Stadium Australia.
Naging bida sa panalo si Steph Catley na naipasok ang goal sa 52 minute penalty.
Naging hamon para sa Australian team ang laban dahil sa kawalan ng kanilang star player na si Sam Kerr na nagtamo ng injury.
Naging makasaysayan din ang naitalang panalo ng New Zealand kontra Norway 1-0.
Ito kasi ang kauna-unahang panalo ng New Zealand sa World Cup sa harap ng mahigit 42,000 na fans sa Auckland na itinuturing na pinakamalaking audience sa kasaysayan ng football sa nasabing bansa.
Ang laban sa New Zealand ay personal sinaksihan ni prime minister Chris Hipkins kasama si FIFA president Gianni Infantino sa laro na ginanap sa Eden Park.