-- Advertisements --
Nagkakahalaga ng $1 million na mga surgical masks at hazardous materials o personal protection equipment (PPE) ang ibingay na donasyon ni Charlotte Hornets palyer Bismack Biyombo sa isang charity sa kaniyang bansa sa Democratic Republic of Congo.
Ang apat na containers ay naglalaman ng 10,000 face mask at 780 protective hazmat suits para sa pagtulong sa nasabing laban sa paglaban kontra coronavirus.
Sinabi nito na labis siyang nalungkot dahil sa dinadanas ng bansa bunsod ng coronavirus pandemic.
Pinasalamatan din nito ang mga frontliners na tumutulong sa paglaban sa virus.