-- Advertisements --

Extended pa ng hanggang dalawang araw ang ipinapatupad ngayon na social distancing rules sa Hong Kong

Gayunman sa Biyernes ay luluwagan na ang pagiging istrikto lalo na raw at bumaba na ang kaso ng nahawa sa COVID-19.

Ang pag-relax sa mga patakaran ayon kay Hong Kong Secretary of Food at Health Sophia Chan ay tulad sa mga dine-in services at restaurant na palalawigin pa hanggang alas-9:00 ng gabi sa halip na alas-6:00 lamang tulad ngayon.

Hong Kong

Bubuksan na rin ang mga beauty parlors at ilang outdoor sports.

Ang pagsusuot ng face masks ay hindi na rin istrikto o mandatory lalo na kung mag-e-exercise lamang sa mga parke.

Sa pinakahuling tala ng mga otoridad na sa siyam lamang ang mga bagong kaso sa Hong Kong, na siyang pinakamababang bilang mula noong July 3.

Noong nakaraang buwan sinasabing nakaranas ang rehiyon ng third wave ng infection.

Para naman kay Hong Kong Director of Health Constance Chan dapat hindi pa rin sila magkampante lalo na at nasa 30% hanggang 40% ng mga kaso ang hindi pa nila natutukoy ang mga pinagmulan.