-- Advertisements --

Nagbabala ang mga kapulisan ng Hong Kong na kanilang aarestuhin ang mga tao na magsasagawa ng pagtitipon para sa anibersaryon ng Tianamen square crackdown.

Noong 1989 kasi ay naging madugo ang pagpapatalsik ng mga otoridad sa mga nagsagawa ng mapayapang kilos protesta.

Ayon kay senior superintendent Liauw Ka-kei na kanilang aarestuhan ang sinumang magtungo sa lugar para magsagawa ng protesta.

Nagpasa kasi ang mga mambabatas ng Hong Kong ng security law noong 2020 na nagbabawal ng anumang pagtitipon.

Magugunitang noong 2019 ng ilang mga indibidwal ang nagsagawa ng kilos protesta laban sa bagong security law na maghihigpit sa anumang kilos protesta laban sa gobyerno.