-- Advertisements --

Inanunsiyo ng mga kaanak ng Hollywood actor na si Bruce Willis na ito ay na-diagnosed ng isang uri ng dementia na tinatawag na frontotemporal dementia (FTD).

Ayon sa kaanak ng 67-anyos na actor na lumala ang nasabing kondisyon niya nong ma-diagnosed siya ng asphasia noong nakaraang taon.

Isa sa naging sintomas aniya nito ay hirap silang makipag-usap sa nasabing actor.

Umaasa sila na ito ay gagaling mula sa nasabing sakit.

Magugunitang noong Marso 2022 ng ianunsyo ng pamilya nito na lumala ang kaniyang Asphasia kaya hindi na ito gumagawa ng pelikula dahil sa hirap itong makapagsalita.