COLORADO, USA – Palaisipan sa mga otoridad kung “Santa Claus” o “Robinhood” ang nais maging character ng isang holdaper na nahuli sa Colorado.

Sa salaysay ng mga saksi, nang-holdap ang suspek na si David Wayne Oliver sa Academy Bank nitong nakalipas na Lunes at nakapagtangay ng maraming pera.

Pero laking gulat ng marami nang ihagis nito sa direksyon ng mga tao ang dalang salapi.

Sumigaw pa umano ito ng “Merry Christmas” at hindi man lang tumakbo para tumakas.

Hindi malaman ng mga tao kung nais nitong mag-portray bilang Santa Claus o Robinhood dahil sa kaniyang ginawa. (Reuters)