-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Sumailalim sa dalawang araw na orientation ang mga staff ng Ciriaco Tirol Hospital sa isla ng Boracay kaugnay sa guidelines at hospital protocols sa HIV treatment sa oras na maging official satellite treatment ng Aklan Provincial Hospital para sa HIV at AIDS.
Bilang satellite treatment facility magiging available na rin ang mga gamot katulad ng anti-retrovirals (ARV) sa isla.
Ang ARV ay tumutulong na mabawasan ang virus sa isang tao na may HIV at upang maiwasan rin ang pagkamatay dahil dito.
Ang ARV ay binibigay ng libre ng Department of Health (DOH).
Ang dalawang araw na aktibidad ay pinangunahan ni Dr. Leilanie Barrios, head ng DRSTMH-HIV AIDS Clinic.