Ipinababasura ngayon ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Supreme Court (SC) ang petition for certiorari and prohibition ng ABS-CBN.
Ang temporary restraining order (TRO) ng TV network ay para ipatigil ang cease and dessist order (CDO) ng NTC.
Sa 157 pahinang komento ng NTC sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG), sinagot ng NTC ang mga argumento ng ABS-CBN Corporation.
Ayon sa NTC, nararapat na inbasura ng SC ang hirit na status quo ante order ng ABS-CBN at ibasura ang petisyon nito dahil sa kawalan ng sapat na merito.
Idinepensa ng NTC na wala raw pagmamalabis nang nag-isyu ang mga ito ng CDO kontra sa giant media network noong Mayo 5.
Naniniwala ang NTC na valid ang naturang CDO at saklaw din ito ng kapangyarihan ng komisyon na ipatigil ang operasyon ng isang network na wala nang pinaghahawakang prangkisa mula sa kongreso.
Dagdag ng NTC, hindi rin nangangahulugan ng prangkisa ang inilabas na liham ng Committee on Legislative Franchise ng Kamara at ang Senate Resolution No. 40.
Maliban dito, dumipensa rin ang NTC na hindi raw pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag ang kanilang CDO.
Malinaw umanong hindi nito pinagkakaitan ng karaparan sa tamang impormasyon ang publiko.
Hindi rin naniniwala ng NTC na nagkakaroon ng tinatawag na irreparable damage sa kumpanya ang inilabas na CDO.
Inihirit din ng NTC na alisin na bilang mga parties to the case ang House of Representative at ang Senado.