-- Advertisements --

IMG de0cd9bb2a95d2db93c0cf136e0b4182 V

Kasunod ng pag-positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ng siyam na inmate sa Quezon City Jail, inaksiyunan na ng Supreme Court (SC) ang hirit ng ilang mambabatas at pamilya ng mga inmates na mapalaya ang ilang bilanggo.

Sa isinagawang kauna-unahang online deliberation ng kataas-taasang hukuman, pinagkokomento nila ang mga respondent sa reklamo na sina Local Government Secretary Eduardo Ano, Justice Secretary Menardo Guevarra, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Director Allan Sullano Iral, Bureau of Corrections (Bucor) Director Gerald Bantag at ilang Jail Wardens sa bansa sa inihaing reklamo hanggang Abril 24.

Inatasan naman nila ang mga respondent sa kaso na mag-ingat at sundin ang interim preventive measures dahil na rin sa national emergency dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“G.R. No. 252117 (In the matter of the urgent petition for the release of prisoners on humanitarian grounds in the midst of the Covid-19 Pandemic, Dionisio S. Almonte, et al. vs. People of the Philippines, et al.) – The Supreme Court, without giving due course to the Petition, ordered respondents to file a Comment by April 24, 2020. This period is non-extendible. Respondents are ordered to take the necessary interim preventive measures required by this national emergency (COVID 19) and provide a verified report to the Court within the same period,” base sa resulta ng en banc online deliberation.

Una rito, naghain ng petisyon ang ilang miyembro ng pamilya ng mga inmates na pansamantalang palayain ang mga bilanggong may sakit, buntis at mga matatanda na sinasabing most vulnerable sa covid.

Kaninang umaga nang kumpirmahin ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Jail Chief Insp. Xavier Solda na nilalapatan na ng lunas ang mga inmate na nagpositibo sa virus at nananatili sa isang isolation area.

Kaugnay nito, nangangamba naman ngayon ang ilang inmate na sila ay mahawa sa sakit dahil na rin sa siksikan sa mga piitan.

Ang tinig ni Silvestre Trilles, isang inmate na pina-recall dahil sa isyu sa good conduct time allowance (GCTA) Law na ngayon ay nananatili sa piitan.