-- Advertisements --
Bureau of Immigration

Nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Pakistani national na naaresto ng mga otoridad sa Palawan at hinihinalang isang bomb maker.

Kabilang sa mga narekober sa banyaga nang ito ay maaresto ang mga baril at pampasabog.

Una rito, ipinag-utos na ni Immigration Commissioner Jaime Morente sa BI Legal Division na maghain ng kaso sa dahil sa paglabag sa immigration law laban sa suspek na si Haroon Bashir, 29.

Naaresto ang suspek noong Agosto 6, 2020 sa Atis road, Dacillo Compound, Bgy. San Jose, Puerto Princesa City, Palawan.

 Sinabi ni Morente na ang Pakistani na suspected bomb maker ay sasailalim na sa deportation proceedings dahil sa overstaying at pagiging undocumented alien.

Dagdag ni Morente, maliban sa overstaying dito sa bansa sa loob na ng pitong taon, bigo rin umano si Bashir na iprisinta ang kanyang pasaporte o kahit ano mang travel document.

Sa ngayon patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP-MIMAROPA sa kaugnayan ng banyaga sa mga local terrorist sa rehiyon.

Inilagay na rin sa blacklist ng BI ang suspect at hindi na ito papayagang makabalik o makapasok pa sa bansa.

“A check of his travel record in our database showed that he arrived in the Philippines on 28 April 2013, and that he never left the country since then. It is only after he has served his sentence that we can deport him. He will then be blacklisted and banned from reentering the country,” wika ni Morente.