-- Advertisements --

Iminungkahi ni South Korean Culture Minister Hwang Lee, na dapat ang mga kilalang kalalakihang singer ay hindi na sumailalim ng dalawang-taon na military service.

Sinabi ni Hwang na imbes na militar service ay maaaring palitan na lang ito ng alternative programs.

Nakasaad kasi sa Military Service Act ng South Korea na lahat ng mga kalalakihan ay dapat magsilbi sa military ng dalawang taon bago umabot ng edad 30.

Taong 2020 ng nilimitahan ang edad sa 30 na dati ay 28.

Inihalimbawa ni Huwang ang Korean group na BTS na huwag ng pumasok sa military.

Kapag pumasok aniya ang mga ito ng dalawang taon ay isang national at cultural loss ng bansa dahil sa hindi maririnig ang kanilang mga kanta.

Ang pitong member group na BTS kasi ay siyang nagpakilala ng South Korea sa buong mundo dahil sa kani-kanilang mga kanta gaya ng “Permission to Dance” ; “Dynamite”, “Butter’ at maraming iba pa.