Hindi bababa 75 pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog na tumama sa Tagbilaran City, Bohol nakatanggap ng cash assistance mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bohol kasabay ng kaarawan ni Gov. Aumentado
Namigay ang pamunuan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng 12 sako ng bigas, mga damit, at iba pang food items sa mga apektado ng sunog sa Tagbilaran City Bohol na tumama noong Disyembre 22, 2022.
Namigay naman ang Pamahalaang panlalawigan ng P10,000 financial assistance sa bawat pamilya habang nag-abot din ng P30,000 ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) para kay Greamyr Manzano na nawalan ng mga magulang at kapatid dahil sa sunog.
Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Governor Erico Aristotle Aumentado, namahagi ito ng food packs at 5 lechong baboy sa mga biktima ng sunog.
Personal na iniabot ni Aumentado ang cash aid sa 75 apektadong pamilya na nawalan ng tirahan dahil sa sunog.
Ayon sa gobernador, ang cash assistance ay maaaring gamitin para sa pagbili ng mga materyales sa pagpapaayos ng kanilang mga bahay ngunit nakasalalay pa rin sa mga benepisyaryo kung paano gagastusin ito.