-- Advertisements --

Pumalo na sa 565 na mga pamilya o katumbas ng 2,191 na indibidwal ang kasalukuyang apektado ngayon sa Region III at maging sa Region IX.

Ito ay batay sa datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Mula sa bilang na ito, 359 na mga mag-anak o katumbas naman ng hindi bababa sa 1,366 na mga aindibidwal ang kasalukuyang namamalagi sa walong eveacuation centers sa mga naturang rehiyon hbang 206 naman na mga pamilya ang pansamantalang naninirahan sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan.

Samantala ang mga datos na ito ay consolidated mula sa 13 barangay mula sa Central Luzon at maging sa Zamboanga Peninsula.

Maliban dito ay 65 na mga kabahayan na rin ang mga naiulat na nasira dulot ng habagat

Patuloy naman ang ahensya sa pagbibigay ng mga kaukulang tulong na kailangan ng mga apektadong residente.