Hawak ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang indibidwal na nahuling nagbebenta ng endangered wood species na Agarwood sa North Fairview, Quezon City.
Aabot sa P1,055,557.54 ang halaga ng narekober na Agarwood chips sa suspek na si Rafael Cericos.
Nasa 6.46 kilograms ang Agarwood Chips o nasa P163,398 ang kada kilo.
Ang Agarwood ay ginagamit na sangkap sa paggawa ng mamahaling perfume o pabango.
Sinabi ni NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor na nag-ugat ang operasyon sa intelligence report na natanggap ng NBI-Environmental Crime Division (NBI-ENCD) kaugnay ng grupo ng mga indibidwal sa North Fairview, Quezon City na nagsasagawa trading ng Agarwood.
Agad daw nagsagawa ang NBI-EnCD agents ng surveillance sa North Fairview, Quezon City at ibinigay ng informant sa mga operatiba ng NBI ang contact number ng suspek para makapag-establish ng communication para sa posibleng buy-bust operation.
Noong Oktubre 25, kinontak ng NBI-EnCD operatives ang subject at napagkasunduang bumili ng Agarwood na nagkakahalaga ng P40,000.
Sa parehong araw, kasama ng NBI-ENCD ang DENR-Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) at DENR-National Capital Region (DENR-NCR) agad silang tumulak sa target area para magsagawa ng entrapment operation.
Sinabi raw ng suspek sa mga undercovers na igarahe ang kanilang van sa loob ng compound at dito na ipinakita ang maraming wood chips ng Agarwood.
Dito na hinuli ang suspek kasama na dala-dala ang Agarwood.
Sinabi naman ni Distor na ang estimated environmental fee para sa mga nahuling endangered wood species ay P10,555,575.40, o 10 beses sa market value nito.
Kasama sa environmental fee ang forest charges at environmental damages ng forest products na ibiniyahe ring walang permit.
Sumalang na rin si Fabia sa inquest proceedings sa Office of the City Prosecutor ng Quezon City dahil sa paglabag nito sa Section 77 (dating Section 68) ng P.D. 705, R.A. 7161 o mas kilalang “Wildlife Forestry Code of the Philippines; and violation of Section 27 (e) at (f) ng R.A. 9147 o “Wildlife Resources Conservation and Protection Act.”