Umabot na sa mahigit Php1.08 billion o $21.2 million ang kabuuang tulong na ibinigay ng United States government sa Pilipinas para tulong duon sa mga naging biktima ng Typhoon Odette.
Ito’y matapos dinagdagan ng Amerika ang kanilang humanitarian assistance sa Pilipinas na nasa Php51.1 million o nasa $1 million sa pamamagitan ng U.S. Agency for International Development (USAID).
Ayon sa US Embassy to the Philippines, dahil sa panibagong assistance, lalo pang mapalakas ang partnership ng USAID sa United Nations World Food Programme (WFP) para magbigay ng dagdag na logistics support sa mga communities na lubhang tinamaan ng Typhoon Odette.
Ayon kay U.S. Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires ad interim Heather Variava, hindi titigil ang Amerika sa pagbibigay suporta lalo na at kanilang itinuturing na kaibigan, partners at allies ang Pilipinas.
Sinabi ni Variava ang dagdag na assistance ay makakatulong sa mga komunidad na hinagupit ng bagyo.
Aniya, sa pakikipag-ugnayan sa Office of Civil Defense (OCD), USAID at WFP magdi deploy sila ng dagdag na 300 trucks para itransport ang mga pagkain at iba pang mga supplies sa mga typhoo-affected areas.
Siniguro ni Variava na makakarating ang nasabing mga relief supplies sa mga remote municipalities at barangays.
As of January 28, ang USAID at WFP nasa 300 trucks na ang nakapag transport ng tulong kung saan nasa 350,000 households ang nabigyan ng pagkain, hygiene kits, kitchen sets, at shelter kits.