Pumanaw na si British boxer Joe Bugner sa edad na 75.
Kinumpirma ng British Boxing Board of Control ang pagpanaw ni Bugner sa bahay nito sa Brisbane, Australia.
Isinilang si Bugner sa Hungary subalit lumipat sila sa England noong ito ay edad anim pa lamang.
Nagsimula ito ng maging professional boxer noong 1967 sa edad na 17.
Naging British at European boxing champion ito noong 1970.
Kapwa rin itong natalo sa 12 -round decision kay Muhammad Ali at Joe Frazier.
Nagkaroon ito ng career comeback noong 1995 at nagwagi ng Australian heavyweight title sa edad na 45.
Mayroon itong kabuuang record na 69 panalo, 13 talo at isang draw na mayroong 41 knockouts.
Nakasama rin ito sa pelikulang “Street Fighter” na pinagbidahan noon ni Jean-Claude Van Damme at ang series na Italian movie na “Bud Spencer”.