-- Advertisements --

Biglang tumaas lalo ngayon ang bagong mga nadagdag na mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na mahigit sa 8,000 sa isang araw.

Ito ay makaraang iulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng 8,562 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.

DOH office

Ito na ang pinakamarami sa nakalipas na dalawang buwan.

Dahil dito ang kabuuang kinapitan ng coronavirus mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 1,580,824.

Marami rin naman ang mga bagong gumaling na umaabot sa 2,854.

Ang mga nakarekober na sa bansa mula sa coronavirus ay umaabot na sa 2,854.

Sa ngayon ang mga aktibong kaso ay mas dumami rin na nasa 61,920 na.

Meron namang dalawang laboratoryo ang bigong makapagsumite ng kanilang mga datos COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Samantala ang panibagong mga namatay sa bansa ay umaabot sa 145.

Ang death toll dahil sa deadly virus ay nasa 27,722 na.