-- Advertisements --

Patuloy pa ring nararanasan ng mga residente sa ilang bahagi ng Mindanao ang pagkalawa ng kuryente makalipas ang limang araw matapos ang magnitude 7.8 na lindol noong Hunyo 8, 2026.

Ayon sa Department of Energy (DOE), mahigit 30,000 consumers pa rin ang wala pa ring suplay ng kuryente hanggang ngayon.

Sa isang panayam, sinabi ni DOE Undersecretary Mario Marasigan na patuloy ang kanilang monitoring sa dalawang electric cooperatives na hindi pa ganap na naibabalik dahil nasa liblib na bahagi ng kanilang distribution lines ang ilang lugar.

Ayon sa DOE, tuloy-tuloy ang kanilang repair at rehabilitation sa mga linya ng kuryente upang maibalik agad ang serbisyo sa mga apektadong residente.

Gumagamit din aniya sila ng tinatawag na “Task Force Kapatid” sa General Santos City at Davao del Sur kung saan tumutulong ang iba’t ibang electric cooperatives mula sa ibang rehiyon.

Dagdag pa ng DOE, ang pagpapatuloy ng rehabilitation ay hindi inaasahang magdudulot ng pagtaas ng suplay ng kuryente, kundi nakatuon lamang sa pagbabalik ng serbisyo.

Ayon naman sa National Electrification Administration, nasa 96% na ng mga lugar sa Mindanao na naapektuhan ng lindol ang may kuryente na.

Ibig sabihin, 24 sa 25 na bayan sa southern Mindanao ang muling nabigyan ng suplay ng kuryente.