-- Advertisements --

ascotf2

Nasa kabuuang 26,144 police personnel na ang naturukan ng bakuna nationwide as of June 22, 2021, kung saan 12, 232 dito ay nakumpleto na ang kanilang second dose.

Ito ay batay sa datos na inilabas ng PNP Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF) at PNP Health Service.

Ayon kay Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, Deputy Chief for Administration (TCDA) at ASCOTF commander, sa kabuuang bilang ng mga pulis na nabakunahan nasa 20,984 ang naturukan ng Sinovac; 4,421- Astrazeneca; 79 – Sputnik V; 728-Pfizer; 18-Moderna; 3 – Janssen at 1-Sinopharm.

“No information pa kami on next allocation of vaccines for PNP,” mensahe na ipinadala ni Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Sinabi ni Vera Cruz, hanggang sa ngayon kasi ay naghihintay pa sila ng dagdag na bakuna para sa kanilang A4 category.

Umaasa ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na darating na sa mga susunod na araw ang dagdag na alokasyon nila ng bakuna sa COVID 19.

Nabatid na nasa 28,000 doses ng bakuna ang nakalaan para sa mga pulis sa Metro Manila.

ascotf

Una nang natanggap ng PNP ang paunang 500 doses na Sinovac vaccine para sa A4 category ng PNP kung saan kabilang na dito ang mga police generals.

Magugunita na mismong si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang nanguna sa pagbabakuna para sa A4 category ng PNP.

Sinabi ni Vera Cruz na sa oras dumating na ang mga bakuna, agad nila itong iro-roll out.

Patuloy naman na hinihikayat ng PNP ang mga pulis na wag maging “choosey” sa bakuna, at kung may pagkakataon sila na magpabakuna sa kani-kanilang LGU ay samantalahin na ito.

Sa kabilang dako, patuloy na pinaaalalahan ni Vera Cruz ang mga pulis na magdoble ingat, sumunod sa minimum health and safety protocol, palakasin ang kanilang immune system gaya ng pag-inom ng vitamins at mag ehersisyo.