-- Advertisements --

Ipapakalat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang 250 na mga sasakyan para sa libreng sakay upang maging gabay ng mga mananakay sa nakatakdang tigil pasada bukas ng grupong Piston.

Ayon sa ahensya ipapakalat ang libreng sakay na sasakyan sa lugar na inaasahang maapektuhan;

Novaliches-Malinta
Shelter Ville-Novaliches
Bagumbong-Novaliches
Paco-Sta. Mesa
Monumento Area
Catmon
Alabang Area, Baclaran
A. Francisco St.-San Andres Bukid
NIA-NPC hanggang Mindanao Avenue

Samantala bukas pa rin naman ang ahensya na makipag dayalogo sa naturang grupo.