-- Advertisements --
Screenshot 2020 08 24 12 59 39 50

Labis na ikinatuwa ng mga drivers ng tradisyunal na jeep matapos buksan ang mas marami pang ruta kasabay ng pagdaragdag din ng jeepney units dito sa Metro Manila.

Una rito, pinayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-operate ng karagdagang 1,333 traditional Public Utility Jeepneys (PUJ) sa 23 ruta sa Metro Manila.

Ito ay epektibo simula sa Miyerkules, Agosto 26, 2020.

Kabilang na sa rutang ito ang:

T132 Napocor Village/NIA Ville – SM North EDSA
T133 NAPOCOR/NIA Ville – Mindanao Ave. Congressional
T134 Bagbaguin – Malinta
T234 Katipunan – Marcos Ave./University Ave. via UP
T369 Libertad – PRC
T370 Santol – Pina Ave. via Buenos Aires
T371 Blumentritt – Divisoria
T372 Blumentritt – Libertad via Sta. Cruz, L. Guinto
T373 Libertad – Retiro via Mabini, Sta. Cruz, L Guinto
T374 España – Rizal Ave. via Blumenttrit
T375 Blumentritt – Retiro
T376 Arroceros – Blumentritt via Dimasalang
T377 Ayala – P. Burgos/J.P. Rizal
T378 Baclaran – Blumentritt via Mabini, Sta. Cruz
T379 Baclaran – Blumentritt via Quiapo/Mabini
T380 Dapitan – Pier South
T381 Divisoria – Libertad via L. Guinto
T382 Divisoria – Libertad via Mabini
T383 Divisoria – TM Kalaw via Jones Bridge
T384 España – Project 2&3 via Timog Ave.
T385 Project 4 – TM Kalaw via Cubao, E. Rodriguez
T386 Pier South – Retiro via Sta. Cruz
T405 Multinational Village – Gate along Imelda Ave.

Ilan sa mga rutang ito ay mayroong mga drivers na limang buwan nang walang biyahe.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay mang Ernie Gulmatico, driver ng jeep na may rutang Baclaran – Divisoria, sinabi nitong sa ngayon ay nagtitinda sila ng mga underwear para may pagkakakitaan pa rin habang hindi pa sila pinapayagang makapasada.

Screenshot 2020 08 24 13 07 06 19
Screenshot 2020 08 24 13 08 27 88

Sa inilabas ma Memorandum Circular 2020-040, maaaring bumiyahe ang mga traditional PUJs sa mga binuksang ruta kahit walang special permit.

Pero kapalit naman nito ang QR code na ibibigay sa bawat operator at dapat ay naka-print sa bond paper at naka-display sa PUJ unit.

Maaari itong i-download QR Code mula sa website ng LTFRB (www.ltfrb.gov.ph) simula bukas ng hapon, 25 Agosto 2020.

Narito naman ang mga ruta ng mga public utility vehicle sa oras na maging operational ang mga ruta rutang binuksan ng LTFRB.

Kabilang na rito ang bilang ng mga authorized units nito, simula noong unang ipatupad ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila:

  • Public Utility Bus (PUB) – 31 routes; 3,696 units
  • Point-to-Point Bus – 33 routes; 364 units
  • Taxi – 20,493
  • Transport Network Vehicles Services (TNVS) – 23,776
  • UV Express – 51 routes; 1,621 units
  • Modern Public Utility Jeepney (PUJ) – 45 routes; 786 units
    Traditional Public Utility Jeepney
  • (PUJ) – 149 routes; 13,776 units

Pinapaalala din ng ahensya na walang taas-pasahe na ipapatupad maliban na lang kung may iaanunsyo ang LTFRB.

Bukod pa sa mga ito, kinakailangan na naka-register sa Land Transportation Office (LTO) ang PUJ unit bilang roadworthy o akma sa pagbiyahe sa kalsada, at mayroong valid Personal Passenger Insurance Policy.