-- Advertisements --

covidpnp1

Nasa 1,154 Police medical frontliners na ang nakakumpleto ng 2 dose ng turok ng Sinovac vaccine.


Ito ay batay sa datos mula sa PNP Admisitrative Support to COVID 19 Operations Task Force Commander Lt Gen. Guillermo Eleazar.


Ayon kay Eleazar, nakatakda namang turukan ang nalalabing 1,738 na pulis ng second dose ng Sinovac vaccine.


Ngayong naka kumpleto na ng dalawang dose ang mga nasabing pulis, mas protektado na sila ngayon sa COVID 19 lalo na at naka deploy sila sa mga isolation facility.

Samantala, nasa first dose pa rin ng pagturok ng bakuna ng AstraZeneca kung saan nasa 1,627 na mga pulis ang nabakuhan sa ibat ibang regional police offices.


Sa kabuoan, 4, 519 na mga pulis ang naturukan ng mga bakuna.

Samantala, nasa 194 bagong Covid-19 cases ang naitala ng PNP as of April 7,2021 kung saan 184 dito ang bagong cases habang 10 ang reinfection.

Sa ngayon, sumampa na sa 2,596 ang kabuuang active cases na naitala sa hanay ng PNP.

Nasa 142 bagong recoveries naman ang naiulat at nanatili sa 40 ang fatalities.


Samantala, sinuspinde muna ni PNP Chief Gen. Debold Sinas ang face-to-face media interview and press conference sa lahat ng mga PNP camps and police stations sa buong bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana layon ng nasabing direktiba ni PNP Chief ay para maiwasan ang covid-19 infections sa kanilang hanay at ang implementasyon ng enhanced community quarantine.

Aniya, maghihintay lamang ang PNP ng guideline mula sa IATF hinggil dito.