-- Advertisements --
SARS CoV 2 Bangkok Post
IMAGE | The SARS-CoV-2 virus

MANILA – Naitala ngayong araw ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso na tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Batay sa report ng Department of Health (DOH), aabot sa 7,103 na new cases ng coronavirus ang inireport ng mga laboratoryo sa magdamag.

Nalampasan ng numero ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala noong August 10, 2020 kung saan umabot noong sa 6,958. Dahil dito umabot na sa 648,066 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

“5 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on March 18, 2021.”

Tumaas din ang bilang ng active cases o mga nagpapagaling na umabot sa 73,264. Pinakarami rito ang mild cases na nasa 93.9%, at asymptomatic na 3.3%.

Ang mga severe cases ay 1.1%, critical 1.0%, at moderate cases 0.59%.

Samantala 390 na bagong gumaling ang nadagdag sa total recoveries na nasa 561,902. Habang 13 ang naitalang bagong namatay para sa saradong 12,900 total death cases.

“21 duplicates were removed from the total case count. Of these, 14 are recoveries. Moreover, 4 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”

Umapela ang Health department sa publiko na maging disiplinado sa pagsunod sa health protocols matapos makapagtala ng pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 ang bansa.

“Naitala ngayon ang pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 kaya patuloy na nananawagan ang DOH na manatali lamang tayo sa ating mga tahanan at iwasang lumabas kung hindi naman talaga kailangan.”