-- Advertisements --
Nabasag ni Leonard Grospe ang high jump record ng bansa sa Philippine National Games.
Nahigitan nito ang 17-taon na high jump record na hawak ng kaniyang coach na si Sean Guevarra.
Nagtala ang 22-anyos na si Grospe ang 2.14 meters na ginanap sa PhilSport Track oval sa lungsod ng Pasig.
Isa lamang ito sa mga record na kaniyang nagawa ngayong taon kung saan sa dalawang pagkakataon ay naitala niya ang 2.14 meter at 2.15 meters sa Asian Indoor Championship sa Nur Sultan, Kazakhstan noong Pebrero.